Tanda ng Krus
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Ama Namin
Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo, dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.
Aba Ginoong Maria
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami ay mamamatay. Amen.
Luwalhati
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong una, ngayon at magpakailanman, at magpasawalang hanggan. Amen.